Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ang balbas

Pinasyal ni Gorio ang kanyang kabit sa Caloocan.

KABIT : Sweetheart, gusto ko ang balbas mo, pero mas gwapo ka siguro kung aahitin mo.

GORIO : Sweetheart, alam mo namang gustong gusto ng asawa kong himasin lagi ang balbas ko. Kaya pag inahit ko ito siguradong papatayin niya ako!

KABIT : Sige na sweetie plis. Gusto kong makita kang walang balbas.

GORIO : Hindi talaga pwede sweetie...malalagot ako sa asawa ko.

Pinilit muli ng kabit si Gorio, kaya sumuko rin siya at inahit ang balbas. Kinagabihan, pag-uwi sa asawa niya sa Makati, dahan dahan siyang pumasok sa kwarto at habang natutulog ang asawa niya sa dilim , humiga siya sa tabi niya.

Biglang nagising ang asawa niya at hinimas ang mukha ni Gorio at sinabing, " Oh, Ronaldo, bakit nandito ka, alam mo namang uuwi na ang asawa ko! "

No comments:

Post a Comment