Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Translate


Teacher: Juan i-english mo eto.

Juan: Wat mam?

Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang nglakad"

Juan: "The wak wak weak weak wok wok..."

hahaha!

Matalino ka pag nasagot mo ang mga ito!

1. Kapag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?

2. May nalunod na ba sa lalim ng gabi?

3. Kung ang 1 kg ay may 1000 g, ilang grams naman meron ang Instagram?

4. Kung sa Kasaysayan ng Pilipinas may "Panahon ng Amerikano, Hapon, Kastila at Pre-Colonial", kailan naman nangyari ang "Panahon ng Kopong-kopong"?

5. If men are from Mars and women are from Venus, bakit sila nagpunta sa Earth?

6. Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sa kanya?

7. Bakit ang tawag sa *building* ay building pa rin kahit tapos na siya?

8. Kung ang nakatusok na baboy ay barbeque, ang nakatusok na saging ay banana que, bakit ang nakatusok na kabayo ay carousel?

9. Bakit pag RUSH hour tsaka mabagal ang daloy ng traffic?

10. Ang breakfast ba at dinner, pwedeng ilagay sa lunchbox?

Oxymoron

English is a funny language

An oxymoron is usually defined as a phrase in which two words of contradictory meaning are brought together. :)

1. Clearly misunderstood
2. Act naturally
3. Exact Estimate
4. Found Missing
5. Small Crowd
6. Fully empty
7. Pretty Ugly
8. Seriously Funny
9. Only Choice
10. Original Copies

And the best of all...
11. Happily Married

Gina

LOLO: Gino paabot nga ng kape ko.
.
APO: Lo, Gina po.
.
LOLO: Gino paabot nga ng kutchara.
.
APO: Lo, Gina po.
.
LOLO: Gino paabot nga ng pamaypay ko.
.
APO: Lo, Gina po.
.
LOLO: Punyeta ka Gino! Tigil-tigilan mo
yang kabaklaan mo!

Text text din pag may time.

Mag-kumare nag-uusap

Tekla: Sana 'di ko na isinama sa kabaong ni
Bogart 'yung cellphone
niya nu'ng inilibing siya.

Petra: bakit?

Tekla: Nag text siya, sabi, "dito na me
sunod na you!!"

Honeymoon



GROOM : Kaya mo ito, dadahan-dahanin ko.

BRIDE : Kinakabahan ako. Baka di ko makaya.. Parang natatakot ako.

GROOM : Kaya mo ito. Di ba dati may alaga kang sawa at mga ahas?

BRIDE : Oo nga, mga exotic animals yon, pero. . .

GROOM : Anong pero, huwag kang matakot.

BRIDE : Pero, . . .pero takot talaga ako sa bulate eh!

hahahaha

Sa sementeryo


Guard: Sus.! Ginol.!!! IKAW lang pala.
Akala ko multo ka.!! Ano ba yang
pinupukpok mo diyan sa lapida.?

Babae: Basta...

Guard: Bukas na yan malalim na ang gabi.

Babae: Nakakainis kasi... Wrong spelling
ang pangalan ko dito.

Mali na naman si Ma'am

STUDENT: Ma'am kapag pinaghalo ang Tide at Breeze, bubula ba?

TEACHER: Syempre naman, parehas panlaba ang mga yun eh...

STUDENT: (Binulongan ang classmate) Talagang addict si Ma'am, sayang ang tuition fee natin...wala pang tubig bubula na!!!...

Si Lola Walang Kagalit



(Pari habang nagmimisa)

PARI: Sino sa inyo ang may kagalit?

(Taas kamay lahat pwera sa isang matandang babae.)

PARI: Si lola lang ang walang kagalit. Anong edad nyo lola??

LOLA: 93 anyos.

PARI: Tingnan nyo si lola... 93 na pero walang kagalit! Lola bakit wala kayong kagalit?

LOLA: PATAY na ang mga WALANGHIYA!

Sorry 2

Si Pedro naglalakad, Biglang may
nabangang foreinger.

PEDRO: Ay, sori !

FOREINGER: I'm sorry 2

PEDRO: Sorry 3!

FOREINGER: sorry for?

PEDRO: Kala mo bobo ako ah, sorry 5!

FOREIGNER: I think your sick!

PEDRO: hahahaha! sick daw! six.

hahaha

Payo ng di naninigarilyo

JUAN: Nagyoyosi ka?
PEDRO: Oo.
JUAN: Ilang kaha sa isang araw?
PEDRO: Tatlo..
JUAN: Magkano isang kaha?
PEDRO: 40 pesos
JUAN: Gano kana katagal nagyoyosi?
PEDRO: 15 years.
JUAN: Kung ang isang kaha ay 40 pesos, nakaka-tatlong kaha ka sa isang araw bali sa isang buwan nakaka P3,600 pesos ka. Sa isang taon meron kang 43,200 pesos, Tama?
PEDRO: Oo?!
JUAN: Alam mo ba kung hindi ka nagyoyosi, naipon mo sana ang pera mo nailagay mo sana sa bangko at nakabili ka na sana ng sports car?!
PEDRO: Ikaw nagyoyosi ka ba?
JUAN: Hindi.
PEDRO: Ohh,loko ka pala eh. asan yung sports car mo?!

~HAHAHA!

Mukhang Magsasaka

1 araw,

Bf: kakaasar talaga, sarap sapakin nung nakasalubong natin khapon,

Gf: ba't ano bng nangyari?

Bf: sabihan ba naman ako na mukha akong magsasaka pag kasama kita...

Gf: ok lng yon dear, a tleast marangal ang mgsasaka, bakit nya naman nasabi yon?

Bf:  Kasi mukhang kalabaw daw ang kasama ko,

Gf: ganun Asan ung hayop na yon, papatayin ko lang...

Hehehe

Free Taste


PROMO GIRL: Mam FREE TASTE po!

MAM: *kumuha ng isa at tinikman* Bakit ganito? Panis na?

PROMO GIRL: Kita nyo na mam!? Ganyan ang mangyayari sa pagkain nyo kapag hindi niyo nilagay sa ref. Kaya mam bumili na po kayo ng ref samin, sale ngayon!

Serbisyong hospital

Sa HOSPITAL..

Guy: Ok ba ang services dito?
Doc: Oo po.
Guy: Paano kung hindi ako satisfied?
Doc: Ibabalik namin ang sakit mo.

Unique na Cellphone

JUAN: Boss, bilhin nyo na etong CellPhone ko!

B0SS: Magkano ba yan?

JUAN: P40,000 lang po!

B0SS: Bakit ang mahal naman? Eh, lumang ... modelo na CP na yan at camera lang ang feature nyan.

JUAN: Opo, pero unique po ito.

B0SS: Bakit?

JUAN: Ito lang po kasi ang CP na may picture nyo na may kaakap na CHIX na hubot hubad kayong dalawa. I-alok ko na lang kaya sa Mrs. nyo?

B0SS: Hwag na! Ako na lang bibili! Walang pera yun.